-- Advertisements --
Lumagda sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman sa isang joint circular para tugunan ang cybercrimes sa bansa.
Ayon kay Sec. Remulla sa pamamagitan ng circular, magkakaroon ng karagdagang 1,173 prosecutors at 364 prosecution attorneys sa buong bansa.
Ang karagdagang prosecutors aniya ay tutugon sa mga isyu may kinalaman sa mga kriminal na sangkot sa cybercrimes.
AV Justice Secretary Jesus Crispin Remulla
Una ng iniulat ng PNP Anti-Cybercrime Group na tumaas ang bilang ng mga kaso ng cybercrimes sa Metro Manila sa 152% sa unang anim na buwan ng 2023.
Kung saan nasa P155 million ang nawala dahil sa scams at fraud sa bansa mula Enero hanggang Agosto 2023.