-- Advertisements --
image 12

Prayoridad ngayon ng Department of Health (DOH) na mailabas ang hindi pa nababayarang COVID-19 allowance ng mga health care workers (HCWs) sa mga lugar na matinding hinagupit ng super typhoon Egay ayon kay Health Secretary Ted Herbosa.

Inatasan na rin ng kalihim ang Human Health Resource Office na tutukan ang mabilis na pagbibigay ng health emergency allowance sa mga health care workers sa Ilocos region at Cagayan valley upang mayroon silang karagdagang pondo na magagamit para sa emergency purposes.

Dagdag pa ng kalihim na ang mga health emergency allowance ng mga health care worker sa Bicol region partikular na sa Albay ay ipraprayoridad din.

Umaasa naman ang DOH chief na makukumpleto na ang distribusyon ng unpaid allowances sa susunod na taon.

Sa ngayon, direkta ng ibibigay sa mga health worker ang kanilang health emergency allowance at hindi na dadaan pa sa bureaucratic process.