-- Advertisements --
Dr. Leachon

Nagpahayag ng paggalang at respeto ang DOH sa desisyon ng health reform advocate na si Dr. Anthony Leachon na bumaba bilang special adviser for non-communicable diseases.

Ayon sa nasabing departamento, sa mga kamakailang developments sa DOH, iginagalang at kinukumpirma ng nito ang pag-alis ni Dr. Leachon sa kanyang proposed engagements.

Kung matatandaan, ang internist at cardiologist na si Dr.Leachon ay nagboluntaryo ng kanyang oras at pagsisikap na tumulong sa paglaban sa mga non-communicable diseases.

Dagdag ng DOH na hinahangaan nito ang pagnanais ni Leachon na muling tumutok sa kanyang pamilya, habang siya ay nananatiling bukas sa anuman at lahat ng mabuting hangarin ng tulong upang magtrabaho patungo sa pagkamit ng Universal Health Care.

Maaalang si Dr. Leachon noong Setyembre 12 ay nagbitiw sa kanyang puwesto bilang Special Adviser for Non-Communicable Diseases ng DOH.