-- Advertisements --
image 90

Ngayon pa lamang nagbabala na ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga karaniwang sakit na maaaring makuha mula sa umiinit na panahon habang nalalapit ang dry season.

Ayon kay Department of Health officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire, kanilang inaantay na lamang ang opisyal na deklarasyon ng simula ng summer season dahil sa tuwing sumasapit aniya ang tag-init sa bansa may mga sakit na binabantayan ang ahensiya.

Gaya na lamang ng heat stroke at dehydration na maaaring maranasan partikular na ng mga senior citizen.

Paalala ng kagawaran na laging magdadala ng tubig sa tuwing lumalabas upang mapanatiling hydrated, magdala ng proteksiyon laban sa init gaya ng sombrero at payong at magsuot lamang ng manipis.

Dapat din na imonitor ng publiko ang kanilang blood pressure sa kasagsagan ng dry season.

Dagdag pa ni Vergeire na ilan pa sa karaniwang sakit na nakukuha kapag mainit ang klima ang sore eyes kayat pinapayuhan ang publiko na ugaliin ang pagkakaroon ng magandang pesonal hygiene para maiwasan ang skin diseases.

Inabisuhan din ang publiko na maging maingat sa food spoilage at tiyaking malinis ng iniinom na tubig.