Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic kasunod ng pagtanggal ng World Health Organization (WHO) sa COVID bilang global health emergency.
Paliwanag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na bagamat inalis na ng WHO ang public health emergency of international concern status ng COVID-19 hindi ibig sabihin tapos na ang pandemiya.
Kayat hindi pa rin dapat na magpakampante laban sa virus.
AV DOH OiC Ma. Rosario Vergeire
Una ng idineklara ang covid19 bilang isang health emergency of international concern matapos ang outbreak ng skait noong Enero 30, 2020.
Ilang linggo lamang mula ng sumibol ang misteryosong nakakahawang sakit na unang nadetect sa Wuhan, China.
Patuloy naman ang paghikayat ng DOH sa publiko sa paggamit ng multiple layers of protectiom gaya ng pagsusuot ng facemask, pag-isolate kapag may sakit, magpabakuna at magpabooster laban sa virus.
Sa kasalukuyan, mayroong 12,161 na aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.