-- Advertisements --

Tiwala ang Department of Health (DOH) na naging transparency ang ahensya sa ginagawa nitong hakbang para tugunan ang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Tugon ito ng DOH, matapos aminin ng Office of the Ombudsman na iimbestigahan nito ang buong kagawaran at si Sec. Francisco Duque dahil sa iba’t-ibang anomalya.

“The Department of Health welcomes the investigation and will comply with all directives from the Office of Ombudsman. The DOH has been transparent in the COVID-19 response, including procurement transactions and the provisions of benefits to healthcare workers.”

Nilinaw ng ahensya na natanggap na ng pamilya ng 32 health care frontliners na namatay dahil sa COVID-19 ang P1-milyong financial assistance sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

Pati na ang 19 na health care workers na naging severe ang lagay matapos ma-infect ng sakit ay nakatanggap na rin ng P100,000.

“New claims to said benefits are being processed to this day.”

Iginiit ng DOH na naging transparent sila sa pamamagitan ng araw-araw na pag-uulat ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa iba’t-ibang paraan.

Naging tapat din daw ito sa publiko nang magkaroon ng mga pagkakamali sa reporting ng ilang data.

“DOH officials will willingly cooperate with the authorities to ensure utmost transparency throughout the duration of the investigation and beyond.”