-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Finance sa publiko na huwag maniwala sa mga scammers na nagpapanggap na kanilang empleyado at humihingi ng pera kapalit ang kanilang serbisyo.

Ayon sa Department of Finance na ang online scammers ay gumagamit ng iba’t-ibang messaging app.

Mayroong iba’t-ibang serbisyong alok ang scammers at humihingi ng pera kapalit umano ang kanilang serbisyo.

Wala aniya silang pinapahintulutan na empleyado na makipag-transaksyon sa labas ng kanilang opisyal na platform.