Iniulat ng pamunuan ng Department of Finance na kanila nang inihahanda ang ilang mga medium term strategy para pangasiwaan ang mga pagkakautang ng bansa.
Sa isang mensahe, binigyang diin ng bagong talagang kalihim ng finance na si Sec. Ralph Herbosa na ang Philippine Medium-Term Debt Management Strategy ay may layuning magkaroon ng transparency sa public borrowing.
Ito rin aniya ay kabilang dapat sa mga magsisilbing panuntunan.
Batay sa datos ng Bureau of Treasury, ang kasalukuyang utang ng Pilipinas ay pumapalo na sa mahigit 14. 51 trillion pesos.
Ito ay katumbas ng 60 percent share ng Gross Domestic product ng bansa.
Sa kabila ng mahigit 60% threshold, ito ay kinukunsidera pa rin ito na manageable ng mga multilateral lenders for developing economies.
Nais namang makamit ng gobyerno na mapababa ang dept to GDP ratio ng mas mababa sa 60% sa susunod na taon
Ayon sa bagong kalihim ng DOF, ang Pilipinas ay nanatiling may pinaka mababang Dept to GDP ratio kung ikukumpara ibang bansa.
Kaugnay nito ay binigyang diin rin ng kalihim na mahalagang ma maintain ang high investment grade credit rating.