Pinakakalma ng Department of Energy (DOE) ang publiko kaugnay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na posibleng power interruption ngayong panahon ng tag-init matapos na ibasura ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang request ng grid operator para sa buwanang extensions sa ancillary service agreements.
Mahalaga ang naturang kasunduan para mapanatili ang reliable operations kung saan ang ancillary service ang sumusuporta sa transmission ng suplay ng kuryente mual sa from generators patungo sa mga consumer.
Kaugnay nito, pinayuhan ng DOE ang NGCP na agad na maghain ng motion for reconsideration at didinggin ng ERC ang naturang petisyon.
Ayon sa grid operator, ang pagbasura ng month to month extensions sa ancillary services agreements ay matapos tanggapin at buksan ang bids para sa ancillary services sa Luzon noong Marso 14, sa Visayas noong Marso 15 at sa Mindanao noong Marso 16.
Sinabi naman ng NGCP na inaasahan nitong pormal na maigagawad ang kontrata sa winning bidders sa Abril 18 ng kasalukuyang taon subalit ang provisional approval mula sa ERC sa Ancillary Service Procurement Agreements (ASPAs) ay inaasahang mas maagang mailalabas bago ang buwan ng Hunyo.
Sa hiwalay namang pahayag, sinabi ng DOE na ang desiayon ng Energy Regulatory Commission na i-deny ang buwanang extension ng ancillary services agreements ng NGCP ay inilabas noong Disyembre 2022 kung saan sa panahong ito, hindi pa naipapatupad ang Competitive Selection Process (CSP) for Ancillary Service (AS).
Subalit ngayong malapit na aniyang makumpleto ang Competitive Selection Process (CSP) for Ancillary Service (AS) maaari ng maghain ng motion for reconsideration ang NGCP sa ERC.
Ayon pa sa NGCP sumulat na sila sa DOEpara mamagitan sa nasabing isyu.