Opisyal ng nabigyan ng Filipino citizenships ang mga basketball players na sina Malick’ Diouf at Elizabeth Jeanette Means.
Kasunod it na ang panukalang batas sa usapin ng kanilang naturalization ay nag-lapsed sa batas noong Mayo 18.
Ang Republic Act No. 12318 at Republic Act No. 12319 ay opisyal na nagbibigay kina Diouf at Means ng kanilang lahat ng karapatan at responsibilidad na naaayon sa konstitusyon at batas ng Pilipinas.
Ang 6-foot-eleven na si Diouf ay isinilang sa Dakar, Senegal ay ikinokonsiderana mapabilang sa Gilas Pilipinas 3×3 pool.
Nagtungo siya sa Pilipinas noong 2018 matapos na tanggapin ang athletic scholarship mula sa Centro Escolar University at kinuharin ng University of the Philippines.
Naging susi siya sa Fighting Maroons para makuha ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 men’s basketball title noong 2022.
Tinanghal siyang bilang Most Valuable Player sa UAAP noong Season 85.
Habang ang six-footn na si Means ay target nitong mapabilang sa Gilas Pilipinas Women’s national team.
Isinilang siya at lumaki sa United States habang ang kaniyang lolo ay tubong Naga, Camarines Sur.















