-- Advertisements --

Nagpasok ng malaking pera sa London ang ginawang digital concert ng Swedish group na ABBA.

Ang concert residency umano nila ay nakalikom ng mahigit 178 milyon pounds.

Sa nasabing ABBA Voyage ay muling pinagsama-sama ang orihinal na miyembro nito na sina Bjorn Ulvaeus, Benny Andersson, Agnetha Faltskog at Anni-Frid Lyngstad gamit ang makabagong motion-capture technology.

Sa loob ng 12 buwan kung saan mahigit 1 milyon katao ang nakapanood ay nakapag-turnover ito ng mahigit 322.6 milyon pounds.

Nagsimula ang show noong Mayo 2022 at nagtapos nitong Disyembre.

Kasama ang live bands ang avatars o tinawag na ABBA-tars ay kinanta nila ang 20 sikat na kanta sa 90 minutong show.