-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang mga Pilipino ang napaulat na naapektuhan sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Sichuan province sa China.

Ayon kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza, base sa kanilang inisyal na impormasyon mayroong kabuuang 167 Pilipino ang nasalugar subalit wala dito ang apektado sa malakas na pagyanig.

Una ng napaulat na nasa 46 katao ang nasawi matapos tumama ang naturang lindol noong araw ng Lunes. Ito ang itinuturing na pinakamalakas na tumam sa nasabing probinsiya ng China mula noong taong 2017.

Naitala ang episentro ng lindol sa town ng Luding kung saan may kabuuang 39,000 katao ang naninirahan sa loob ng 20 kilometro ng episentro at nasa 1.55 million mamaayan ang nasa lugar pasok sa loob ng 100 kilometers.