-- Advertisements --
Desiree pregy

“Answered prayer” kung ituring ng celebrity couple na sina Desiree del Valle at Boom Labrusca ang pagkakaroon na nila ng anak matapos ang tatlong taon mula nang ikinasal.

Sa post ng 46-year-old actor, talagang totoo ang kasabihan na ibibigay ng Diyos ang kahilingan ng isang tao kapag takdang panahon na.

Nitong Abril lang daw nila natuklasan ni Desiree na 17 weeks na pala itong buntis o isang buwan bago ang 39th birthday ng aktres nitong Mayo 28.

Mahigit limang taon naging magkasintahan ang dalawa bago naging engaged taong 2015, hanggang sa ganapin ang pag-iisang dibdib sa Amerika noong 2018.

Si Boom ay ama ng young actor na si Tony Labrusca sa kanyang nakarelasyong si Angel Jones.