-- Advertisements --

Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang Department of Trade and Industry (DTI) na bantayan ang presyo ng mga school supplies ngayong pasukan.

Sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, nakipag-ugnayan na sila sa DTI para matiyak na walang mananamantala sa presyo ng mga notebook, papel, ballpen, bag, school uniform at iba pa.

Hinihingi rin nila sa kagawaran na maglabas ng price selling upang magkaroon ng guide ang mga magulang sa kanilang pamimili.

Hindi daw dapat makalusot ang sinumang mananamantala na mga manininda dahil sa hirap ng buhay.

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng kagawaran sa DTI para matiyak na walang mang-aabuso sa pagpasok ng mga bata.