-- Advertisements --
image 239

Nagtayo ng dalawang flood control structures ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kahabaan ng Pampanga River sections.

Ito ay magsisiguro ng proteksyon ng mga residente sa San Leonardo, Nueva Ecija laban sa banta ng pagbaha sa gitna ng masamang panahon at malakas na pag-ulan.

Sa ulat kay Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, binanggit ni Regional Office 3 Director Roseller A. Tolentino na ang Barangay Magpapalayok at Tambo Adorable ang dalawang komunidad na makikinabang sa mga proteksiyon na istruktura na itinayo ng departamento.

Isang 410-lineal meter na flood control structure ang itinayo sa Barangay Magpapalayok na kumokonekta sa mga kasalukuyang floodwall sa bahagi ng Pampanga River.

Ang bagong floodwall ay nagsisilbing karagdagang layer ng depensa upang pangalagaan ang buhay at ari-arian ng mga residente ng Barangay Magpapalayok ay nagkakahalaga ng P63-M.

Ang naturang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) ng 2022.