Gumawa na raw ngayon ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng compilation ng lahat ng agrarian reform laws at kahalintulad na issuances sa span na 102 years o mula 1902 hanggang 2022.
Sinabi ni DAR Secretary Conrado Estrella III na ito ay bilang tugon daw sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na dapat ay makapag-provide ang pamahalaan ng maganda at solid na data para siguruhin ang informed decision-making.
Maliban dito ay magagamit din ang compilation ng mga agrarian laws at issuances para sa serbisyo publiko.
Tiniyak naman ni Estrella na gagawin nilang available ang naturang compilation sa mga magsasaka at mga stakeholders.
Sinabi pa ng kalihim ng DAR na ang lahat daw ng impormasyon sa evolution ng iba’t ibang polisiya na may kaugnayan sa agrarian reform ay kasama na rin sa compilation.
Ginawa rin daw ang compilation sa tulong ng Legislative Information Resources Management Department ng House of Representatives at DAR Special Concerns Office and the External Affairs and Communications Operations Office (SCO-EACOO).
Ang unang batch ng Compendium ay nakatakda namang ipamahagi sa DAR central, regional at provincial officials.
Ipinaliwanag pa ni Estrella na napaka-timely raw ng paghahanda sa compilation para sa target landmark legislation na layong ma-condone ang lahat ng unpaid payment ng amortizations, interests at charges ng mga utang ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) para sa mga lupaing inaward sa kanilang ng gobeyerno sa pamamagitan ng agrarian reform program.
Samantala, nakatanggap naman daw ang DAR ngcommendation mula sa Office of the President (OP) dahil sa pagiging responsive agency.
Ayon kay Estrella, pinapurihan ni Pangulong Marcos ang departamento dahil sa mabilis na aksiyon sa mga reklamo ng mga citizen na kanilang natatanggap sa pamamagitan ng 8888 Citizens’ Complaint Center.
Ipinagmalaki ng DAR chief na nakapagtala ang mga ito ng 100 percent action sa loob ng prescribed period ng mga reklamong kanilanag natanggap mula Enero hanggang December 2020 at 2021 at Enero hanggang Agosto ngayong 2022.
Pinapurihan naman ni Estrella ang lahat ng DAR officials at employees dahil hindi raw ito maisasakatuparan kapag wala ang kanilang mga tulong.