-- Advertisements --
Wala pang nakita ang Department of Health (DOH) ng presensiya ng subvariant ng mas nakakahawang COVID-19 Delta strain.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa nila na-detect ang naturang Delta sublineage variant sa mga nagpositibo sa COVID-19.
Dagdag pa nito na nararapat pa rin na ipagpatuloy pa rin ng mga tao ang pagsunod sa minimum health standard.
Magugunitang nakapagtala na ang United Kingdom ng AY 4.2 variant kung saan isa itong dahilan sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.