-- Advertisements --

Narekober nitong hapon ng Martes, Hunyo 2, ang karagdagan pang tatlong labi mula sa gumuhong siyam na palapag na gusali sa Angeles City, Pampanga.

Bunsod nito, umakyat na sa 20 ang bilang ng mga nasawi sa insidente.

Ayon kay Angeles City Public Information Officer Jay Pelayo, kabilang sa pinakabagong narekober na nasawi ang labi ng isang batang babae, isang lalaki at isang babae.

Karamihan sa mga biktima ay mga construction worker na natutulog sa mismong site nang mangyari ang trahediya.

Aaabot hanggang sa 70 katao ang nagtratrabaho sa construction site subalit karamihan sa kanila ay umuwi sa kani-kanilang bahay dahil weekend.

Sa ngayon patuloy pa ring iniimbestigahan ang ugat ng pagguho ng ginagawang gusali.