-- Advertisements --

Paumalo na sa 23 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong siyam na palapag na gusali sa Angeles City, Pampanga.

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) Central Luzon na narekober ang isa pang labi mula sa mga guho kaninang alas-7:21 ng umaga sa gitna ng nagpapatuloy na search and retrieval operations.

Ayon sa BFP Central Luzon, natunton ng mga responder ang labi ng ika-22 biktima sa may Quadrant 2 ng construction site.

Makalipas lamang ang ilang oras, narekober ang bangkay ng ika-23 biktima kaninang alas-9:12 ng umaga. Hindi pa inilalabas ang mga detalye sa pagkakakilanlan ng dalawang karagdagang nasawi habang biniberipika pa ito ng Scene of the Crime Operatives/Officers (SOCO).

Nauna nang napaulat na nasa kabuung 27 ang bilang ng mga nailigtas sa insidente.

Sa gitna naman ng hamong dala ng pag-ulan, wala pa ring humpay ang isinasagawang retrieval operations para sa paghahanap ng mga posible pang biktima sa trahediya.