-- Advertisements --
DBM

Nagbabala ang Department of Budget and Management (DBM) sa publiko na agad nilang isumbong sa mga otoridad ang mga gumagamit ng pangalan ng kanilang opisina para makahingi ng pera.


Ayon sa ahensiya na nakarating sa kanilang kaalaman na may ilang mga gumagamit ng unverified emails at ito ay nakapangalan pa umano kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.


Paglilinaw nila na hindi gumagamit ang kalihim ng mga unverified na mga email address.
Nakipag-ugnayan na sila sa mga iba’t-ibang ahensiya para imbestigahan ang insidente.