-- Advertisements --

PBGen Jerry Fornaleza Bearis, pormal nang nanunungkulan bilang Police Regional Office-7 Director; Dating PRO-7 Director Roderick Augustus Alba, umaasang maisakatuparan ng bagong director ang kanyang pananaw na bumuo ng regionwide joint task force kontra sa ilegal na droga

Pormal ng nanunungkulan bilang bagong direktor ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) si Police Brigadier General Jerry Fornaleza Bearis matapos ang isinagawang turnover of office ceremony nitong Martes, Disyembre 20, sa PRO-7 headquarters nitong lungsod ng Cebu.

Si Bearis ay dating direktor ng Police Regional Office-3 (PRO-3) at miyembro ng Philippine National Police Academy Class of 1993.

Manunungkulan naman si Alba bilang Directorate for Human Resource Development Division sa Camp Crame.

Sa loob ng hindi bababa sa dalawang buwan na kanyang panunungkulan bilang pinakamataas na opisyal ng PRO-7, nangunguna ang rehiyon na may malaki ang accomplishment laban sa ilegal na aktibidad kung saan isa na dito ang pinakamataas na pinakamalaking pagbaba ng mga krimen kumpara sa ibang mga rehiyon ng bansa.

Sa kanyang naging talumpati, umaasa naman si Alba na maisakatuparan ng bagong director ang kanyang pananaw na bumuo ng regionwide joint task force kontra sa ilegal na droga.

Umaasa rin ito na ibigay din ng publiko ang buong tiwala kay Beariz gaya ng pagtanggap ng mga ito sa kanya.