-- Advertisements --

Nagbabala ang dating Afghan central bank chief na babagsak ang ekonomiya ng Afghanistan.

Sinabi ni Ajmal Ahmady na sa paghawak ng Taliban isang maaring dahilan nito ay ang pagharang sa mga tulong na manggagaling sa ibang bansa.

Isang malaking hamon aniya ang kakaharapin ng Afghanistan sa labis na krisis na mararanasan ng kanilang ekonomiya.

Maapektuhan din raw ang kanilang domestic currency dahil sa international sanctions na naghaharang sa aid funding at paghigpit sa $9 billion reserves ng bansa.

Isa si Ahmady na umalis na sa Afghanistan mula nang sakupin ng Taliban ang pamumuno sa Afghanistan.