-- Advertisements --
image 394

Dahil sa napakainit na panahon, ipinag-utos na ng pamunuan ng dalawang unibersidad sa Bicol Region ang pagpasok sa blended classes.

Ang mga ito ay ang Bicol State University, at Catanduanes State University.

Para sa BSU, susundin nito ang in-person at online classes para sa mga estudyante. Binibbigyan naman ng otoridad ang mga faculty members na mag-desisyon kung anong schedule ang kanilang susundin.

para naman sa CSU, ipapatupad ang hybrid learning, mula sa elementarya, sekondarya, at kolehiyo, kasama na ang mga graduate studies.

binibigyan din ang mga faculty ng otorisasyon upang pagdesisyunan kung ano ang mas nakabubuti sa kanilang mga estudyante.

Pagtitiyak ng dalawang unibersidad na tutugunan pa rin nila ang pangangailangan ng kanilang mga estudyante sa likod ng banta ng napakainit na panahon.

Matatandaang ilang araw nang nakakaranas ng mataas na heat index ang nasabing rehiyon, sa loob ng ilang araw.