-- Advertisements --
Hindi na madadanan ang ilang mga kalsada sa Luzon, dahil sa patuloy na pag-apaw ng tubig dulot ng mga malalakas na pag-ulan dahil sa Bagyong Goring at Habagat.
Batay sa report ng Department of Public Works and Highways, dalawang pangunahing kalsada na ang hindi madaanan, na kinabibilangan ng ilang kalsada sa bayan ng Solana, Cagayan na komukunekta sa maraming mga brgy.
Kabilang din dito ang mga kalsada sa Nasugbu – Lian – Calatagan Road, sa Probinsya ng Batangas.
Ang dalawang mga nabanggit na kalsada ay kapwa nakapagtala ng pagguho sa mga bahagi ng mga ito, dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan.
Tiniyak naman ng DPWH na nagpadala na ito ng mga team upang asikasuhin ang mga naturang kalsada.