-- Advertisements --
image 88

Inaasahang mag-operate ang dalawang bagong airline companies sa Ninoy Aquino International Airport.

Sinabi ni MIAA General Manager Bryan Co na una nang naghayag ng kanilang pagnanais na mag-operate dito sa bansa ang dalawang kumpanya kung saan ang isa rito ay may rutang Hong Kong – Manila habang ang isa naman ay mula isang Malaysian-based na kumpanya.

Ayon kay Co, malaking oportunidad sa bansa ang dalawang nabanggit na kumpanya dahil sa mas maraming commercial passengers ang makikinabang dito.

Nangangahulugan din ito aniya ng mas mahigpit na kompetisyon sa pagitan ng mga airline companies sa bansa.

Pagtitiyak ng opisyal na patuloy pa rin ang ahensiya sa paghikayat nito sa mas maraming mga airline companies na mag-operate sa naturang paliparan.