-- Advertisements --

Kinumpirma ng ulat mula sa People na naghiwalay na sina Dakota Johnson at Chris Martin matapos ang halos walong taong relasyon.

Maalalang unang napaulat na mag-on ang dalawa noong 2017 at noong 2021 isang awitin ang ginawa ni Martin sa nobya na ”My Universe” na kinanta nito sa isang concert sa London. Sa kaparehong taon din ng napabalita na nagsama na ang dalawa sa iisang bahay.

Sa kabila ng hiwalayan, abala si Dakota Johnson para sa kanyang karera kung saan gagampanan niya ang isa sa mga pangunahing papel sa isang pelikula kasama sina Pedro Pascal at Chris Evans.

Tikom pa sa ngayon ang dalawa at wala pang binibigay na opisyal na pahayag hinggil sa hiwalayan.