-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng mga kumpanya ng langis ng dagdag-bawas ng kanilang produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng magpatupad ng P0.50 na taas sa kada litro ng gasolina.
Habang mayroong P0.40 na bawas sa kada litro ng diesel at ang kerosene ay mayroong bawas naman na P0.35 sa kada litro.
Sinabi ni Department of Energy oil management bureau director Rodela Romero, na ang dinagdagan na inventory ng crude oil sa US at ang posibilidad na ceasefire sa Gaza ang dahilan ng pagbawas sa presyo ng diesel at kerosene.