-- Advertisements --

Asahan ang dagdag-bawas na presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng Department of Energy maaring magkaroon ng pagtaas ang diesel ng mula P2.50 hanggang P4.50 sa kada litro.

Habang ang gasolina ay maaring magkaroon ng rollback ng hanggang P1.25 o pagtaas ng hanggang P0.75 kada litro.

Maaaring tumaas naman ng mula P2.20 hanggang P4.20 sa kada litro ang diesel.

Sa araw ng Lunes malalaman kung magkano ang maaring pagtaas ng presyo sa mga produktong langis na kadalasang ipinapatupad ito sa araw ng Martes.