-- Advertisements --

Naghigpit ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa kanilang seguridad matapos bumuhos ang daan-daang katao sa labas ng kanilang tanggapan ngayong araw.

Layunin ng mga tao na i-claim umano ang sinasabing nakatagong kayamanan ng sambayanan na unang naipangako sa kanila.

Ayon kay Gilbert Langres, founder ng Democratic and Republican Guardians Philippines Inc., nagmula pa sa iba’t-ibang lugar ang mga taong sumama sa kanila.

Sa panig naman ng mga security personnel ng BSP, wala raw nasabi sa kanila ukol sa anumang claim at kung may mga taong darating.

Kalaunan, namataan na rin ang ilang tauhan ng pulisya sa lugar upang tiyakin ang kaayusan.