-- Advertisements --
DA WILLIAM DAR SWINE
DA Sec. William Dar

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng pagkain na ibibiyahe dito sa Metro Manila maging sa Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal kahit nasa ilalim na ng mas mahigpit na quarantine measure o ang modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay DA Sec. William Dar, sa ngayon ay tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) na panggagalingan ng mga suplay ng pagkain na huwag higpitan ang mga nagbibiyahe ng mga essential food commodities at agri-fishery products.

Hiniling din nitong payagang agad bumiyahe ang mga magbibiyaheng mayroong government issued stickers sa mga tinatawag na “food lanes” sa mga quarantine checkpoints.

Sa pamamagitan nito, masisiguro umanong sapat ang supply ng pagkain sa dalawang linggong MECQ sa mga nabanggit na lugar.

Una rito, matapos hilingin ng mga medical groups na isailalim sa ECQ ang Metro Manila ay dahil pagod at exhausted na raw ang mga frontliners ay agad namang itong inaksiyunan ng Pangulong Rodrigo Duterte.