-- Advertisements --
Nakatakdang irekomenda ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na palawigin ang rice importation moratorium ng hanggang 15 araw.
Sinabi ng Kalihim na nagkaroon ng magandang epekto ang nasabing ipinatupad na ban na nagsimula nitong unang araw ng Setyembre.
Pagdating ng katapusan ng Setyembre ay magsusumite sila ng pinal na rekomendasyon.
Mula sa nakaraang mga linggo ay umakyat ang presyo ng mga farmgate prices ng mga palay kung saan sa Mindanao lamang ay mayroong P17 kada kilo mula sa dating P8 hanggang P10.