Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na nagsasagawa na sila ng paghahanda at mapping sa mga lugar na maaapektuhan ng El Niño.
Sinabi ni Agriculture Udersecretary Leocadio Sebastian na may mga negatibo at positibong epekto ng El Niño sa ilang lugar sa bansa, at idinagdag na naghahanda sila ng mga hakbang upang mabawasan ang mga negatibong epekto nito.
Aniya, umaasa ang departamento na ang mga negatibo at positibong epekto ay magiging balanse, at idinagdag na ang bansa ay maaaring makakuha positibong epekto ng El Niño kung ang mga tamang hakbang ay maipatutupad.
Nauna nang inilabas ng mga awtoridad na ang phenomenon ay maaaring lumitaw sa susunod na tatlong buwan sa 80% na posibilidad at maaaring tumagal hanggang unang quarter ng susunod na taon.
Nauna nang nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa paglikha ng isang pangkat na tututok sa pag-iwas sa epekto ng El Niño phenomenon.