-- Advertisements --

Binalaan ni Agriculture Secretary William Dar ang publiko hinggil sa pagbili ng mga smuggled na gulay mula China, na kasalukuyang binibenta na sa mga palengke.

Hindi pa kasi aniya alam sa ngayon ang pesticide residue na mayroon ang mga imported na gulay na ito.

Napuna rin ng kalihim ang malaking pagkakaiba sa laki at itsura ng mga imported na gulay kumpara sa mga locally produced.

Sa ngayon, inatasan na ng Department of Agriculture ang Bureau of Plant Industry na suriin ang mga imported na gulay para matiyak na ligtas kainin ang mga ito.