-- Advertisements --
Christoper Fernandez Z0A4899 scaled 1

Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na magiging stable ang supply ng bigas sa bansa sa unang quarter ng 2024.

Sinabi ni DA spokesperson Arnel de Mesa na nagsimula na ngayong Oktubre ang peak of harvest para sa wet season.

Ayon kay de Mesa, ang national stock inventory ng bigas ay inaasahang tatagal ng hanggang 77 araw at hanggang 94 araw sa pagtatapos ng ani ngayong Nobyembre.

Kaya aniya, ang national stock inventory ng bigas ay inaasahang aabot sa 2.4 milyong metriko tonelada sa pagtatapos ng ikatlong quarter ng 2024.

Ito ay inaashan naman na tatagal ng humigit-kumulang 60 hanggang 90 araw.

Inaasahan din ng DA na tataas ang suplay ng bigas dahil sa pag-angkat mula sa ibang mga bansa.