-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang panibagong kaso ng mga alagang baboy na nag-positibo sa sakit na African Swine fever sa Cavite at Nueva Ecija.

Pero ayon kay Agriculture Sec. William Dar walang dapat ikaalarma ang publiko dahil maliit na damage pa lang daw ang naitatala mula sa naturang mga lugar.

Una ng kinumpirma ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na may positive case ng ASF sa Dasmariñas City, partikular na sa Brgy. Salawag.

Dahil dito, ipina-ban muna ng provincial government ang paglabas-masok ng karneng baboy at produkto nito sa lalawigan.

Ipinagutos na rin ni Remulla ang mandatory testing sa lahat ng alagang baboy sa probinsya.

Samantala, tumanggi muna si Sec. Dar na pangalanan ang nakumpirmang ASF affected area sa Nueva Ecija.