-- Advertisements --
KAMARA

Iginiit ng isang mambabatas na panahong nang amyendahan ang RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ito ay ayon kay Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez.

Sa naging pulong ng House Committee on Strategic Intelligence, ipinunto nito na kinakailangan nang i-update ang batas upang tugunan ang tumataas na bilang ng cybercrimes.

Kabilang dito ang:

1. Phishing Scams;
2. Website Spoofing;
3. Ransomware;
4. Malware at
5. Internet of Things (IoT) Hacking

Hiniling ng mambabatas sa Department of Justice (DOJ), Philippine National Police (PNP), at National Bureau of Investigation (NBI) na bumalangkas ng bagong Comprehensive Anti-Cybercrime bill at ipaloob ang pagbuo sa isang Philippine Anti-Cybercrime Commission.