-- Advertisements --
Binigyan ng pagkilala ng Civil Service Commission ang Department of Public Works and Highways – Regional Office 1 na naka-base sa La Union.
May kaugnayan ito sa patuloy na trabaho ng DPWH-I sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Si DPWH Region 1 Director Ronnel Tan ang tumanggap ng Certificate of Appreciation sa virtual appreciation program ng CSC.
Ayon sa CSC, napili nilang bigyan ng parangal si Tan ng DPWH Region 1 dahil sa dedikasyon nito sa trabaho ngayong panahon ng pandemya.
Pinuri rin ng CSC ang mabilis na pagtugon ng DPWH-I sa mga emergency situation at mga kalamidad.
Una rito, ginawaran din ang ni DPWH Sec. Mark Villar DPWH-1 bilang Top Performing Implementing Unit.