-- Advertisements --

Pinangunahan ni Philippine Red Cross Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Sen. Richard Gordon ang inspeksyon sa bagong Philippine Red Cross Molecular Laboratory sa Clark, Pampanga.

Ang pasilidad ay mayroong dalawang RT-PCR (real-time reverse transcription polymerase chain reaction) machines na kayang magproseso ng 2,000 tests kada araw.

Kapag naging operational, mahalaga ang laboratory sa implementasyon ng “Test, Trace and Treat” strategy ng gobyerno para mapaigting ang daily testing capacity.

Kasama ni Sen. Gordon si National Task Force (NTF) Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon.

Inihayag ni Sec. Dizon na isusulog nito ang regular na COVID-19 testing din sa mga miyembro ng media na nakakaligtaang sektor umano at maituturing ding frontliner.

Nais ni Sec. Dizon na kada dalawang linggo ang test sa mga mamamahayag at libre ito Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng PhilHealth.