-- Advertisements --
Mamimigay ng 2,000 coronavirus testing kits angf COVID-19 task force ng bansa sa Philippine Military Academy (PMA) dahil sa pagtaas ng naitatala nitong kaso ng COVID-19.
Nilalaman ng kits na ito ang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR).
Ayon kay Maj. Gen. Edgard Arevalo, kasalukuyan nang nakikipag-usap ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa iba’t ibang government agencies partikular na kay task force head Sec. Carlito Galvez Jr.
Napag-alaman kasi na biglang tumaas ang kaso ng coronavirus sa PMA kung saan karamihan ng mga dinapuan at mga kadete o food handlers.
Sa ngayon ay wala pang official figure na nilalabas ang PMA sa kabuuang bilang ng coronavirus cases na kanilang naitala.