-- Advertisements --
Bahagyang tumaas kahapon, Setyembre 26, ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region, ayon sa OCTA Research group.
Sa kanilang update ngayong araw ng Lunes, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang reproduction number sa NCR noong Linggo ay 0.98, mas mataas ng bahagya sa 0.94 na naitala naman noong Sabado.
Pero, ang reproduction number na 0.98 ay pasok pa rin naman aniya sa error range ng nakalipas na araw.
Kahapon, napaulat na sa Metro Manila pumalo sa 5,653 ang bagong COVID-19 cases na posibleng dahil sa mga backlogs.