-- Advertisements --
image 174

Iniulat ng OCTA Research na bumaba pa sa 17.3 percent mula sa dating 19 percent ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region.

Inihayag ni OCTA fellow Dr. Guido David na bumaba sa 17.3 percent mula 19 percent ang Covid-19 NCR’s positivity rate sa loob sa October 3 hanggang October 10.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri.

Sinabi rin ni David na ang reproduction number ng NCR ay bumaba din sa 0.93 mula sa 0.99 noong Oktubre 6.

Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng mga taong nahawahan ng isang kaso.

Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nagpapahiwatig na ang transmission ng virus ay bumabagal.