-- Advertisements --
SEX RATIO COVID

Napag-alaman sa bagong pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto sa China na halos tatlong linggo ang itinatagal ng coronavirus sa katawan ng mga pasyenteng may malubhang kalagayan.

Ito ay isa lamang sa mga ebidensyang inilatag ng mga eksperto tungkol sa pattern ng sakit sa mga COVID-19 patients. Dumaan ito sa masusing pag-aaral kung saan may ibang eksperto rin na tumulong pagsasaliksik.

Isinailalim ng mga ito sa pagsusuri ang 96 pasyente na in-admit sa kanilang ospital simula noong Enero hanggang Marso.

“The median duration of virus in respiratory samples was 18 days,” saad ng mga eksperto.

Kumuha ang mga ito ng samples mula sa ilong, lalamunan, dugo, dumi at ihi ng mga pasyente. Nais kasi nilang makita kung gaano katagal ang inilalagi ng virus sa sistema ng mga ito ay kung may paraan para kumalat pa ito sa buong katawan.

Nabatid sa isinagawang pag-aaral na posibleng kumalat ang virus sa dumi ng pasyente.

Nakita rin sa pagsusuri na mas tumatagal ang virus sa katawan ng lalaking pasyente kumpara sa babae.

Dahil dito ay mas malala umano ang dulot ng COVID-19 sa mga lalaki dagdag pa rito ang pagkakaiba ng immune status at hormone levels ng babae at lalaki