-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude-3.5 na lindol ang Cotabato nitong umaga lamang.

Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay nasa 25 kilometers (km) northeast ng Makilala, Cotabato.

Sa kanilang bulletin, sinabi ng Phivolcs na nangyari ang naturang pagyanig kaninang alas-9:02 ng umaga.

Naitala naman ang Instrumental Intensity II sa Kidapawan City.

Sinabi ng Phivolcs na tectonic ang origin ng naturang lindol na may lalim na 24 km.

Iginiit ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks sa naganap na pagyanig, at wala ring inaasahang pagkasira rito.