Inalat ang Converge FiberXers sa kanilang fightback laban sa San Miguel Beermen sa 2023-24 PBA Commissioner’s Cup sa Tiaong Convention Center sa Quezon, 105-96.
Lumamang ang Beermen ng hanggang 18 puntos ngunit nagtangka pang makabalik ang FiberXers salamat sa kanilang three-point shooting.
Mainit ang 3 point shooting ng Converge sa pangunguna ni Aljon Melicio ngunit hindi ito sapat para pigilan ang Beermen.
Nanguna naman sa Beermen ang kanilang import na si Ivan Aska na kumamada ng double-double performance 28 points at 11 rebounds kasama ang 22 points ni June Mar Fajardo hjabang nagbuhos naman ng 24 points si CJ Perez para kunin ang panalo.
Umangat ang San Miguel sa 2-1 win-loss record habang ang Converge ay nasa ikaapat na talo at walang panalo.