-- Advertisements --
Gagamit ng container van ang East Avenue Medical Center para paglagyan ng cadaver o bangkay ng mga namatay na pasyenteng hindi pa nakukuha ng kanilang mga kamag-anak.
Ito ang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque matapos lumutang ang ulat na nagpatong-patong na raw ang mga bangkay sa ospital dahil sa kulang na body bags.
Ayon kay Duque, dalawa na lang ang unclaimed cadaver ngayon sa EAMC.
Ipinakita na rin daw ng ospital ang refrigerated container van nito na paglalagyan ng mga bangkay na hindi pa makukuha ng mga kaanak nito.
Una ng sinabi ng ospital na umabot sa halos 20 cadaver ang nakalinya sa kanilang morgue na may limang capacity lang noong nakaraang linggo.
Pero nilinaw ng EAMC na hindi nagkaubusan ng body bags sa kanila.