Tiniyak ng Commission on Elections ang maayos na botohan sa nalalapit na BSKE 2023 sa Kalayaan Group of Islands, Palawan.
Ginawa ni COMELEC Chair George Erwin Garcia ang pahayag, kasunod na rin ng mga napaulat na presenysa ng mga barko ng China malapit sa lugar.
Maliban pa ito sa mga ulat na may mga Chinese rubber boats na umanoy tuloy-tuloy na nagpapatrolya sa katubigang sakop ng mga naturang isla.
Ayon kay Garcia, walang nakikitang problema ang komisyon sa kasalukuyang sitwasyon ng isla, lalo na sa distribusyon at shipment ng mga election materials dito.
Sa kasalukuyan aniy, patuloy namang nagbabantay ang opisina nito sa naturang munisipalidad, lalo na at nagsimula na rin ang pagpapadala ng mga election materials sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Maalalang una na ring naglabas ng pahayag ang Phil Coast Guard ukol sa sitwasyon sa Kalayaan Group of Islands.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, wala siyang nakikitang potensyal na banta sa BSKE 2023 sa mga naturang isla, na bahagi ng pinag-aagawang Spratly Islands.