-- Advertisements --
image 411

Sasampahan na ng Commission on Elections ang mga kandidato ng barangay at Sangguniang Kabataan election na lumabag sa election laws.

Ito ay matapos ma-monitor na nagsagawa ang mga ito ng premature campaigning.

Inihayag ni Comelec Chairperson George Garcia, na naglabas na sila ng mahigit 600 show cause order para sa mga kandidato.

Kasunod na nito ang pag-file nila ng EO at disqualification cases kapag hindi ang mga ito nakapagpaliwanag.

Nauna nang iniulat na nag bigay ang Commission on Elections ng tatlong araw sa mga kandidato para magpaliwanag ang mga ito.