-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inihayag ni Atty. Gay Enumerables, assistant regional director sa Commission on Elections 11 (Comelec 11), na may isang polling precinct sa lungsod ang aksidente umanong na-delete ang data sa SD card sa Voting Counting Machine (VCM) para sa transmission.

Hindi na inihayag ang dagdag na detalye patungkol sa nasabing polling precinct ngunit tiniyak nito na ang back-up sa deleted data ang maaari na magamit para sa manual transmission.

Una nito nakatanggap rin ang Comelec 11 ng isyu patungkol sa VCMs sa kasagsagan ng election day kung kabilang nito ang paper jams, rejected ballots, at vote-counting machines na hindi umano nag-print ng tama.

Tiniyak nito na hindi makakaapekto ang nasbaong isyu sa isinagawang eleksiyon dahil ang Comelec 11 ay may contingency VCMs.

Samantalanb sinabi naman ni Enumerables na lahat ng mga precincts sa lungsod sa Davao ang naka-transmit na ng 100 percent sa electoral.