-- Advertisements --

Nakahanda umano ang PhilHealth na humarap sa anumang imbestigasyon kaugnay sa mga alegasyong katiwalian sa ahensya.

Sinabi ni PhilHealth President/CEO Ricardo Morales, naglabas na ng findings ang Commission on Audit (COA) na nagsasabing walang ebidensya para patunayan ang umano’y P154 billion losses o lugi ng PhilHealth dahil sa fraudulent schemes gaya ng overpayments sa mga claims ng mga ospital.

Ayon kay Morales, kaya malinaw na walang ganung nangyaring korupsyon mula noong 2013 hanggang 2017 na binusisi ng COA.

Sa kabila nito, tiniyak ni Morales na handa silang magpaimbestiga sa alinmang investigating body gaya ng National Bureau of Investigation (NBI).