-- Advertisements --
Hindi umano akalain ng singer/comedian na si Gladys Guevarra na magagawa siyang pagnakawan ng kanyang fiance.
Nabatid na labis ang pag-iyak ng 43-year-old actress nang mag-live video sabay bunyag na nauwi sa hiwalayan ang pagtatalo nila ng husband to be sana na nagngangalang Leon Sumagui.
Kuwento ni Gladys o kilala rin bilang si Chuchay, pinagtalunan nila ang kanyang kakanin business hanggang sa layasan siya nito tangay ang perang kanyang kinita at ngayo’y hindi na makontak.
Buhos naman ang pagsuporta ng mga fans nito at pinayuhang ipasa-Diyos na lamang ang sitwasyon.